Wednesday, 30 January 2019

Volleyball



Sports ay isang maganda at masayang paraan upang makapag-ehersisyo at makipaghalubilo sa ibang tao. Isa na dto ang paglalaro ng Volleyball. Ito ay isang paglalaban ng dalawang panig o grupo na mayroon tig-anim na miyembro sa loob ng court. Ito ang itsura ng Volleyball court:


Ang Volleyball ay maaaring laruin ng mga babae o lalaki, matanda o bata, kahit sino ay pwede maglaro nito.

Ang layunin ng paglalaro ng Volleyball  ay mailipat ang bola sa kabilang bahagi ng net o sa court ng kalaban. Ang bola ay kailangan na dapat sa ibabaw lamang ng net dadaan ang bola papunta sa kabila. Kapag ang bola ay tumama sa sahig sa labas ng court ng kalaban, ang puntos ay mapupunta sa kalaban, pero kapag sa loob ng court ng kalaban at hnd nila ito natira, ang puntos ay sa inyo.Ang paraan naman ng paglalaro ng volleyball ay ang pagtira sa bola ng may lakas papunta sa kabilang court. Ang bawat grupo ay magkakaroon ng pagkakataon na mag service o ang pagtira ng bola mula sa end line patungo sa kabilang court. Sa pagpapatuloy ng paglalaro ang bawat grupo ay mayroon lamang na tatlong tira para mailipat ulit ang bola sa kalaban. Kapag sumobra ang tira, ang puntos ay mapupunta na sa kalaban agad.


Ang larong Volleyball ay nilalaro  na sa ibang bansa. Sa opisyal na sports events, ang Volleyball ay mayroong tatlong set na ang puntos ay 25 bawat isang set, pero kapag ka championship, mayroong limang set na ang puntos ay 25 bawat isa; sa unang grupo na makakapuntos ng 25 sa tatlong set ay panalo na agad. Masaya ang paglalaro ng Volleyball. Marami itong benepisyo; isa na ang paggpapalakas sa katawan, marami kang makikilala na mga tao na naglalaro din nito, kapag ikaw ay isang miyembro ng varsity volleyball team sa iyong paaralan o brangay, mayroong mga mag-aalok sa iyo ng mga scholarship at iba pang mga benepisyo na makakatulong sa iyong buhay.

Volleyball

Sports ay isang maganda at masayang paraan upang makapag-ehersisyo at makipaghalubilo sa ibang tao. Isa na dto ang paglalaro ng Vol...